Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2172
Title: Amian: Isang sosyo-ekonomikong pag-aaral ukol sa epekto ng Rice Tariffication Law sa buhay ng mga piling kababaihang magbubukid ng Lupang Ramos, Dasmarinas Cavite at San Jose Matulid, Mexico Pampanga
Authors: Quizon, Marielle
Issue Date: May-2022
Abstract: Dahil sa pagpintog sa presyo ng bilihin at mababang produksyon ng bigas sa Pilipinas, naisabatas ang Rice Tariffication Law noong 2019. Sinabi ng pamahalaan na makakatulong ito para patatagin ang presyo ng bigas ngunit sinalubong ito ng oposisyon ng magsasaka. Ang pag-aaral na ito ay may layuning masuri ang sosyo-ekonomikong epekto ng RTL sa mga kababaihang magbubukid ng San Jose Matulid at Lupang Ramos. Ito ay isasagawa sa pamamagitan ng panayam at matalas na pag-aaral sa nilalaman at epekto ng batas. Natuklasan sa pag-aaral na ang polisiya ay nagdudulot ng kahirapan sa karamihan ng mga kababaihang magsasaka at sa katagalan ay nagiging rason sa pagbaba ng presyo ng palay, pagtaas sa presyo ng lokal na bigas, pagmahal ng mga kagamitan na ginagamit sa pagsasaka, at mababang produksyon ng bigas sa bansa. Sinasalim din ng pag-aaral na sa kabila ng layunin ng RA 11203 na gawing kompetitib ang sektor ng bigas sa bansa, mas lalo lang binigyang diin ang kawalan ng sariling lupa at kakulangan sa suporta ng mga magsasaka. Mahalaga na maunawaan ang epekto ng batas sa mga kababaihang magsasaka upang magsagawa ng mas epektibong polisiya na maka-magsasaka at makamamayan.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2172
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-E292.pdf
  Until 9999-01-01
2.38 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.