Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2982
Title: Inuman sa Quezon: Isang Pag-aaral Tungkol sa Pag-inom ng Alak Bilang Bahagi ng Kulturang Pilipino
Authors: Marasigan, Engelica R.
Keywords: Inuman
Alkoholismo
Kultura
Kalusugan
Relasyon
Issue Date: 2002
Abstract: Ang papel na ito na pinamagatang “Inuman sa Quezon: Isang Pag-aaral Tungkol sa Pag-inom ng Alak Bilang Bahagi ng Kulturang Pilipino” ay nababatay sa kagawian at paniniwala ng mga taga-Quezon tungkol sa paggamit ng alkohol o mga inuming may alkohol. ang pag-inom ng alak ay matagal nang bahagi ng kultura hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa kung kaya’t ang paksang ito ang napili ng may-akda. Layunin ng papel na ito na malaman kung bakit ang inuman ang pangkaraniwan nang gawain sa Quezon at ano ba ang magandang naidudulot nito sa mga manginginom. Nais din nating malaman kung ang alkohol ba ay may negatibong epekto sa kalusugan, at sa relasyon sa pamilya at sa kapwa, at kung ang kultura at ang kapaligiran ba ang pangunahing salik na nakapagtutulak sa isang tao na malulong sa alkohol. Upang masagotang mga ito, ang ginamit na pamamaraan ay ang pananaliksik at pagkonsulta sa mga nasulat na pag-aaral kaugnay nito at pakikipanayam sa mga representatibo ng pinag-aaralang populasyon. Sa sumunod na kabanata ay tinatalakay ang alkohol at alkoholismo. Ethanol o ethyl alcohol ang pangunahing sangkap ng mga inuming may alkohol o alak. Ilan sa mga uri ng inuming ito ay ang wine, beer, at spirit na pawang dumadaan sa mga proseso tulad ng Jermentation at distillation kapag ito ay ginagawa. Ang alak ay ginagamit na noong una pang panahon sa mga ritwal at seremonya ng mga sinaunang tao sa mga naunang kabihasnan. Ngunit habang fumatagal at lumalawak na ang paggamit ng alkohol ay kinakitaan na ito ng pagdepende ng ilan dito at nagresulta sa pagkakaroon ng suliranin sa pag-inom. Ang alkoholismo ang isa sa mga suliranin sa paggamit ng alkohol na itinuturing na isang talamak na sakit na kakikitaan ng kawalan ng kontrol sa pag-inom ng alak. Nagiging resulta nito ang mga problemang pangkalusugan tulad ng pagkasira ng pag-iisip at pagkakasakit. Ang ikatlong kabanata ay tumatalakay sa kultura ng pag-inom ng alak sa Quezon at ang pananaw ng mga tagaroon tungkol sa paggamit ng alkohol. Sa Quezon karaniwan na ang inuman sa mga pagdiriwang ng kaarawan, pista at binyag, gayundin sa pagsama-sama ng magkakaibigan kahit walang okasyon. Nagiging simulain din ng inuman ang pamamanhikan at kung may pakay sa isang tao. Sa mga kalalakihang manginginom, kadalasan ang kaibigan at kapamilya ang nagsisilbing impluwensya sa kanila dahil ito ang karaniwan nilang nakakasama sa inuman. Samantala ang inuman naman ay mas malimit sa sariling bahay ginagawa. Ang mga epekto sa indibidwal at sa lipunan naman ang paksa ng susunod na kabanata. Sa indibidwal kasama dito ang magandang pakiramdam at pagiging aktibo ng manginginom ngunit kaakibat din nito ang mga problemang pangkalusugan. May mga panandaliang epekto ang alkohol tulad ng sakit ng ulo, pagkabhilo, pagkawala ng balanse, at pagkabuhol-buhol ng pananalita. Kapag nagtagal naman ang pag-inom ng maramihan ay maaaring mauwi sa pangmatagalang epekto nito tulad ng sakit sa puso at kanser sa atay at bituka. Ang pag-inom ng marami, pagdepende sa alkoho, at pagiging sugapa rito ay may mga negatibo ring epekto sa lipunan. Madalas itong kakabit ng mga sakuna tulad ng pagkahulog at aksidente sa kalye, gayundin sa krimen, at pagkasira ng pamilya.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2982
Appears in Collections:BA Social Sciences



Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.