Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3157
Title: | Sa Gilid Kan Balod (Sa Tabi ng Alon): Sosyo-Ekolohikal na Pagsusuri sa Proyektong Mitigasyon sa Panganib ng Sakuna sa Socialized Housing sa Barangay Poblacion, Bacon, Sorsogon City |
Authors: | Hernandez, Kim Paula B. |
Keywords: | Mitigasyon Sosyo-Ekolohikal Panganib Sakuna Socialized Housing Bulnerabilidad Kultura ng Bayanihan Pagsusuri Displacement by Development |
Issue Date: | Jun-2025 |
Abstract: | Nagaganap lamang ang isang sakuna kung mayroong pagsasanib-pwersa ng bagay o pangyayaring maaaring makapagdulot ng panganib (hazards), at ng bulnerabilidad (vulnerability). Sa pagkakapook ng bansang Pilipinas sa heograpikal nitong lokasyon, at patuloy na pag-iral ng kahirapan, paniniil, malawakang pagyurak sa kalikasan, reaksyonaryong pagdulog sa mga problema, at kawalan ng katarungang panlipunan dito, hindi maipagkakaila na halos palaging tiyak ang sakuna. Mula sa lente ng sosyo-ekolohiya, nilayon ng pananaliksik na ito na siyasatin ang kwento ng isang komunidad ng pabahay na biktima ng kaunlaran (displacement by development) at siyang isinauling muli sa kinaroroonan ng panganib ng sakuna (re-placement into disaster). Upang ilahad ang kanilang katotohanang sa likod ng malabahagharing mga tahanan, at taglay na lokal na kaalaman mula sa mahabang panahon ng paninirahan sa tabi ng karagatan, gumamit ang pananaliksik ng pakikipanayam, transect walk, at talaarawan (participant diary), alinsunod sa critical disaster studies, kasama ang mga teorya ng social-ecological systems at risk society. Ang mga datos na nakalap ay sinuri sa pamamagitan ng pagtetema, suring-salaysay, at suring-deskriptibo. Mahihinuha na ang komunidad ng pabahay sa tabi ng alon ay patunay ng katatagan ng mga Pilipino sa harap ng anumang unos. Bagama’t hindi sa porma ng paggamit ng signos mula sa kalikasan bilang early warning signs, hayag ang kultura ng bayanihan at damayan bilang kanilang sandigan. Subalit, ang pagdulog dito ay bunsod din ng mga puwang na hindi napupunan o pinipiling hindi punan ng mga kinauukulan, na siyang nagtutulak sa komunidad na umasa na lamang sa kanilang mga sarili. Hindi lamang pangkaraniwang kwento ng katatagang Pilipino ang hatid ng katangi-tanging komunidad ng pabahay na ito. Kung magpapatuloy ang tradisyonal at reaksyonaryong pagdulog at pagpapakahulugan sa sakuna, kasabay ng pagkaubos ng espasyo sa siyudad, marami pa ang sapilitang maninirahan sa mapapanganib lugar at hindi na lamang sa Barangay Poblacion masisilayan ang mga bagay na isinasalaysay ng pananaliksik na ito. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3157 |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
2025_Hernandez KPB_Sa Gilid Kan Balod (Sa Tabi ng Alon) Sosyo-Ekolohikal na Pagsusuri sa Proyektong Mitigasyon sa Panganib ng Sakuna sa Socialized Housing sa Barangay Poblacion, Bacon, Sorsogon City.pdf Until 9999-01-01 | 45.33 MB | Adobe PDF | ![]() View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.