Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3164
Title: | Sa Ilalim ng Tuyong Dagat: Politiko-Ekolohikal na Pagsusuri ng Epekto ng Navotas Coastal Bay Reclamation Project sa Kabuhayan ng Masang Magtatahong |
Authors: | Reyes, Gerra Mae R. |
Keywords: | Politiko-Ekolohikal Reklamasyon Demolisyon Kabuhayan Masang Magtatahong Coastal Poverty |
Issue Date: | Jun-2025 |
Abstract: | Sa loob ng ilang dekada, pagtatahong ang isa sa mga pangunahing industriya ng Kapital ng Pangingisda ng Pilipinas, ang Navotas. Tuwing buwan ng Marso, sa gitna ng tirik ng araw at panahon ng Kwaresma, ang mga magtatahong ay masaganang umaani ng kanilang mga produkto. Gayunpaman, Marso noong nakaraang taon, 2024, ang mga tahong na nasa tamang gulang na sana para anihin ay binunot ng mga naglalakihang “bako” (backhoe) ng San Miguel Corporation at pamahalaang lungsod ng Navotas. Ngayong taon, 2025, simot at wala nang mga tahungan ang natitira sa lungsod. Ang demolisyon ng mga tahungan ay maiuugat sa pagsisimula ng 650-ektaryang Navotas Coastal Bay Reclamation Project (NCBRP) na siyang humahantong sa tuluyang pagkawala ng kabuhayan (structural unemployment) at pagpapalit ng kabuhayan (livelihood shift). Ang mga ito ay nagpapasidhi sa penomena ng kahirapan sa tabing-dagat (coastal poverty) at precarity ng masang magtatahong. Gamit ang participatory power mapping at power analysis, sinuri ang umiiral na istruktura ng kapangyarihan sa lungsod na siyang nagpapahintulot at nagbebenepisyo sa proyektong reklamasyon. Sa lenteng politiko-ekolohikal, ang impluwensiya nito ay mababatid sa tatlong dimensyon: (1) hindi pantay na distribusyon ng costs at benefits ng reklamasyon, (2) istruktural na hindi pagkakapantay-pantay (structural inequality), at (3) hindi pantay na relasyon sa kapangyarihan (power relations). Sa pagkilala ng impluwensiya ng produkto ng komunidad, isinalokal at isinakonteksto ng pananaliksik ang epekto ng reklamasyon sa masang magtatahong. Tinukoy nito ang natatanging kaparaanan ng pamumuhay, paghahanap-buhay, at pakikibaka ng masang magtatahong na siyang matutukoy at mahihiwalay sa kaparaanan ng mga mangingisda sa kabuuan. Gayundin, bitbit ang impluwensiya ng kanilang kapaligiran at kabuhayan, ang pagbalikwas ng masang magtatahong ay matutukoy sa pormang tahimik (avoidance resistance), kontra-agos (breaking resistance), at nagpapanibagong-hubog (constructive resistance). Mula sa etimolohiya ng reklamasyon na “muli” at “pagprotesta,” ang masang magtatahong ay may natatanging porma rin ng reklamasyon ng kanilang binunot na karapatan (claim rights). |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3164 |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
2025_Reyes GMR_Sa Ilalim ng Tuyong Dagat. Politiko-Ekolohikal na Pagsusuri ng Epekto ng Navotas Coastal Bay Reclamation Project sa Kabuhayan ng Masang Magtatahong.pdf Until 9999-01-01 | 62.67 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.