Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/538
Title: Ang pagtingin ni Juan at Juana: pag-aaral sa pagtingin ng mga taga - Gareta at West Poblacion, Palauig, Zambales sa hidwaan ng Pilipinas at Tsina sa Scarborough Shoal at ang kinalaman nito sa kanilang personal na buhay
Authors: Lindayen, Kathreen A.
Keywords: Philippine-China relation
West Philippine Sea dispute
Issue Date: 2013
Abstract: Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa pagtingin ng mga Pilipino sa isang malaking isyu, ang hidwaan ng Pilipinas at Tsina sa Scarborough Shoal. Upang maisakatuparan ang mga layunin nitong pag-aaral ay nagsagawa ng sarbey sa animnapung ulo ng pamilya o kaya ay kanilang may bahay sa Brgy. Gareta at West Poblacion, Palauig, Zambales. Mula sa resulta ng sarbey na isinagawa, lumabas na kakaunti o mababaw lamang ang nalalaman ng mga katugon tungkol sa isyu. Nakita rin mula sa pag-aaral na ito na ang telebisyon ang kanilang pangunahing pinagmumulan ng impormasyon tungkol sa isyu. Gayunpaman ay nakikita pa rin naman ng mga katugon na may epekto sa kanilang kabuhayan at maaring makaapekto ito sa kanila kung sakaling humantong ito sa giyera. Sa mga kumokonsidera naman na mahalaga sa kanilang buhay ang isyu ay nagbigay ng dahilan ito ay pinagmumulan ng kabuhay at mga resources, at dahil din ito ay parte ng Pilipinas. Samantalang para sa mga nagsasabing hindi mahalaga sa kanila ang isyu ay ganito ang pagtingin nila sapagkat hindi nila nakikitang may epekto o makakaapekto ito sa kanila.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/538
Appears in Collections:BA Political Science

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-H61.pdf
  Until 9999-01-01
774.1 kBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.