Abstract:
Bilang isang patunay ng buhay na tradisyon, ang bayan ng
Cuenca ay nagsasagawa ng tradisyonal na kasalan kasama ang
tradisyon ng Sabog.
Dahil sa kanaisan ng mananalikik na pag-aralan ang tradisyon
na ito gayundin na maipaalam sa iba ang kahalagahan ng kanilang
tradisyon, siya ay naghain ng: Ano ang mga hakbangin (steps) na
bumubuo sa kasalan base sa paniniwala ng mga Cuenqueno? Gayundin
din ang katanungang,Ano ang Ugnayan ng sabugan at Kasalan? At
Kahalagahan ng mga tradisyong ito para sa mga Cuenqueno?
Upang masagot naman ang katanungang inihain gumamit ang
mananaliksik ng mga metodo sa kaparaanang field research,
pagkakalap ng datos sa pamamagitan ng panayam, pagbabasa ng
libro, pagsilip sa internet at di mabilang na pagsaksi sa
kasalan. Naging pagsusuri naman ng mananaliksik ang descriptive
thematic at conceptual analysis, dito inilarawan, tinignan ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga datos. Ang balangkas diwa ay
grounded theory sa kadahilanang data based ang ginawa na
mananaliksik. Kumalap ng datos, inalisa, kumalap muli ng mas
maraming datos at inalisa muli kaya1t nakabuo ng framework. Sa
ginawa ding pag-aaral napatunayan na isang interpretative-
cons tructivsit ang mananaliksik, kung saan lahat ng datos na
ibinigay ng mga nakapanayam ang siyang ginawan ng pag-unawa ng
mananaliskik.
Sa pagtatapos ng pagkakalap ng datos, pag-aanalisa napag-
alaman ng mananaliksik na binubuo ng ilang hakbangin ang kasal
sa Cuenca, ito ay nagsisimula sa pagpapakilala o
bulungan,susundan ng paninilbihan,pagbabaysan, pasayaw o
disperas ng kasal,' kasalan at sabugan at pinaka-huli ang dapit.
Mahalaga sa mg Cuenqueno ang mahaba at mabusising proseso ng
pagpapakasal dahil ayon sa mga Cuenqueno ito ay kanilang nakagisnan na at tunay na bahagi na ng kanilang pamumuhay.
Napatunayan din ng mananaliksik, batay sa ginawang pag-aaral
na ang kasalan at sabugan ay tunay na magka-ugnay at hindi
mapaghihiwalay katulad na lamang ng kalamay at tubig na isa sa
pinaniniwalaan ng mg a Cuenqueno na kailangan sa isang kasal,
katulad ng kalamay ang sabog, samantalang mistulang tubig naman
ang paniniwala ng mananaliksik sa kasalan.