Abstract:
Ang Parada ng Lechon ay isa sa mga pagdiriwang na ginaganap sa
bayan ng La Loma tuwing kapistahan ng Mahal na Patron (Nuestra
Senora de Salvacion). Bilang suliranin sa pag-aaral na ito,
minarapat ng mananaliksik na sagutin ang sumusunod na katanungan:
Ano ang kahalagahan ng pagsasagawa ng Parada ng Lechon tuwing Pista
ng Patron sa La Loma, Quezon City? Bilang layunin ng pag-aaral, nais
ng mananaliksik na tuklasin ang kahalagahan ng Parada ng Lechon sa
Pista ng Patron sa La Loma.
Upang maisagawa ang pag-aaral, minabuti ng mananaliksik na
pumunta sa mismong lugar at kapanayamin ang mg a taong naging
malaking bahagi ng pista at Parada ng Lechon. Ganoon din ang
paghahanap ng mga artikulo mula sa internet at mga pahayagan para sa
mga karagdagang impormasyon na lubos na nakatulong sa pagsasagawa ng
pag-aaral.
Matapos ang pagkakalap ng mga datos, sinuri ang mga ito inula
sa mga pagkakahalintulad na pahayag ng mga nakapanayam batay sa
kahlagahan ng Parada ng Lechon batay sa kasaysayan nito,
pagdiriwang, pagsasaganap at paglahok ng mga tindahan ng lechon. Sa
pamamagitan ng ganitong paraan ng pagususuri, lumutang ang tatlong
kasagutan sa suliranin ng pag-aaral. Ang Parada ng Lechon bilang
is ang pasasalmat sa kanilang Mahal na Patron, bilang cultural
tourism at bilang business promotion.