Abstract:
Bahagi ng kulturang Pilipino ang kamalayan at
tradisyon kaugnay sa kamatayan. matatagpuan ang mga ito sa
lahat ng sulok ng bansang Pilipinas. Kung kaya, maging sa
nakaugalian ay mayroon din itong makulay na pagpahayag
lalung-lalo na sa mga etnolingwistikong grupo sa bansa.
Ang papel na ito ay isang panimulang pag-aaral sa
tradisyon ng kamatayan ng mg a Buhid Mangyan ng Sitio Bato-
ili, Barangay Monte Claro, San Jose, Occidental Mindoro.
Ang Sitio Bato-ili ay isang pamayanan ng mg a katutubong
Buhid Mangyan sa lalawigan ng Occidental Mindoro. Kagaya
ng iba pang etnolingwistikong grupo, ang tradisyon ng
kamatayan ay isang napakalalim at napakakulay na tradisyon.
Sa pag-aaral na ito, tinalakay ang kamalayan at tradisyon
ng kamatayan bilang bahagi ng diwa ng buhay. Tinukoy at
tinalakay ang iba't ibang aspeto sa kaugnay sa kamatayan.
Gayundin, bilang pagsusuri, iniugnay ang paniniwala at
kamalayan ng mg a Buhid Mangyan sa Gaia Hypothesis kung saan
higit na maipaliliwanag ang konsepto ng kaluluwa sa isang
makabago at siyentipikong perspektibo.