Abstract:
Ang pananaliksik na isinagawa ay nagnanais na mabigyang- linaw ang suliraning: "Ano ang kasalukuyang kalagayan ng mga disenyo ng mga kasuotang T'boli?"
Sa ilalim ng suliraning ito, binigyang kasagutan ang sumusunod na mga katanungan na umiikot sa suliranin: (1) Saan nagsimula ang mga betek o disenyo ng mga kasuotan?;
(2) Ano ang pangalan ng mga disenyo?; (3) Paano pinapangalanan ang mga disenyo?; (4) Ano ang k'gal(damit na binurdahan); (5) Kailan nagsimula ang paggawa ng k'gal ng mga T'boli?; (6) Ano ang mga disenyo nito?; (7)Saan nagmula ang mga disenyo nito? ;(8) Ano ang mga pangalan ng mga disenyo ng k'gal?; at (9) Saan pang mga bagay makikita ang mga disenyo?
Upang maisagawa ang pag- aaral na ito, nangalap ng rnga irnpormasyon tungkol sa paksa ang mananaliksik sa mga babasahin bilang paunang saliksik. Pumunta sa field sa Lake Sebu ang rnananaliksik at doon nakipanayam sa mga T'boli na naghahabi at nagbuburda upang masigurong pangunahing mga dates ang makakalap. Nagmula naman sa apat na baranggay ang mga kapanayam: ang Barangay Lake Seloton, Lamalahak, Larndalag at sa Poblacion.
Sinuri naman ang mga nakalap na datos batay sa tematikong analisis, sa konteksto ng kasaysayan ng lipunang T'boli, batay sa paniniwalang panrelihiyon ng mga T'boli at panghuli, batay sa functionalist approach.
Matapos na maisagawa ang pag- aaral, napag- alamang sinasalamin ng mga disenyong ginagamit ng mga T'boli sa kanilang kasuotan ang mga pagbabago sa lipunan nila.
Malaking salik sa industriyalisasyon sa
pagbabago lugar. Mula
ang pagsulong sa pagbabagong
ng ito
nalikha ang k'gal kung saan ginagamit ang mga sinaunang disenyo ng mga T'boli subalit mga komersiyal na rnateryales na ang ginagamit. Lumalabas na pinapatakbo ng interes pananalapi ang patuloy na paggamit ng mga disenyong T'boli sa mga kasuotang ginagawa nila.