DSpace Repository

Eat... Bulaga! at ang Kulturang Popular

Show simple item record

dc.contributor.author Catacutan, Raquel R.
dc.date.accessioned 2025-02-12T07:20:38Z
dc.date.available 2025-02-12T07:20:38Z
dc.date.issued 2005-03
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2856
dc.description.abstract Ang Eat.. Bulaga!, na isang uri ng variety show ay maituturing na isa sa pinakapopular na programa sa bansa. Umabot na ito ng 25 taon ng pagpapalabas sa telebisyon. Dumaan na ito sa 5 presidente, 3 EDSA People Power at exchange rate na mula P7 sa $1 noong 1979 hanggang sa P54 sa $1 ngayong 2005, at hanggang ngayon ay nangunguna pa rin sa telebisyon.! Ang pag-aaral na ito ukol sa Eat.. Bulaga! ay tumatalakay sa kung ano ang pangkalahatang imaheng nabubuo sa programa batay sa tatlong pananaw (perception study). Sa pagsagot nito, tiningnan ng mananaliksik ang tatlong pananaw - mula sa mga manonood, sa mananaliksik at sa mga taga - Eat.. Bulaga!. Sa pagkalap ng mga datos, ang pagpunta sa mga silid-aklatan, panonood ng programang Eat... Bulaga!, pagmamasid at ang pakikipanayam sa mga tinutukoy na tao ang naging paraan ng mananaliksik upang masagot ang katanungan. Lumalabas sa pag-aaral na ang programang Eat. Buiaga! ay mailtuturing na isang halimbawa ng kulturang popular. Isang kulturang maaring masukat base sa dami ng mga sumusubaybay at sumusuporta rito partikular na ng masa at na naipalalaganap sa tulong ng mass media. Dagdag pa rito na ang programa ay patuloy na sumasabay sa pagbabagong nagaganap sa lipunan kaya mas lalong nakukuha nito ang atensyon ng mga manonood. Ang pagbibigay kasiyahan at pagiging isang PAMILYA ang siyang pangkalahatang imahe na binubuo ng programa batay sa mga pananaw na ginamit sa pag-aaral na ito. Ang imaheng ito na hindi lamang ini-aarte ng mga tagaprograma, ngunit makikita rin sa 1likod ng kamera, ang siyang naging dahilan kung bakit napalapit ito sa puso ng maraming Pilipino. Bukod pa rito, ang samahan na namamagitan sa mga taga-programa ay umaabot din sa kanilang mga manonood. Ang pagiging isang pamilya ng mga tagaprograma at ng mga manonood ang lalong nagbuklod sa kanila kung kaya kahit napakatagal na ng programa ay patuloy pa rin ang suporta nila para sa isa’t-isa. en_US
dc.subject Variety Show en_US
dc.subject Popular Program en_US
dc.subject Kulturang Popular en_US
dc.subject Mass Media en_US
dc.title Eat... Bulaga! at ang Kulturang Popular en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account