DSpace Repository

Ang Pamayanan ng Krus na Ligas: Isang Dokumentasyon ng Siming at Kultura

Show simple item record

dc.contributor.author Del Rosario, Jacqueline Lourdes U.
dc.date.accessioned 2026-04-30T00:55:52Z
dc.date.available 2026-04-30T00:55:52Z
dc.date.issued 2001-03
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3669
dc.description.abstract Ang Krus na Ligas ay isang pamayanan na matatagpuan sa Diliman sa Lungsod ng Quezon at kabilang sa ikaapat na distrito. Layunin ng pag-aaral na ito na ilarawan ang pamayanan ng Krus na Ligas sa pamamagitan ng sining at kultura na makiikita dito. Sa pamamagitan ng sining at kultura ay malalaman din kung anu-ano ba ang isinasaalang-alang na 'mutya' sa lugar na ito. Aalamin ng mananaliksik kung paano nagkaroon ng kontribusyon ang mga 'mutyang' ito sa paglalarawan ng pamayanang ito. Ang pag-aaral na ito ay may limang bahagi. Tatalakayin ng unang bahagi ang mga sangkap na makakatulong upang maabot ang layunin ng pagaaral na ito. Ang ikalawang bahagi ang maglalarawan ng mga katangian ng pamayanan: lokasyon, topograpiya, klima, populasyon. Sa ikatlong bahagi, malalaman ang mga kulturang diwa at materyal na makikita sa pamayanang ito. lsinalaysay sa bahaging ito ang makulay na kasaysayan ng Krus na Ligas at bakit ito kinilalang isang makasaysayang lugar. Malalaman din dito ang kadahilanan kung bakit lumiit ng lumiit ang lupaing sakop ng Krus na Ligas. Kasama na rin dito ang alamat na nagpapaliwanag kung bakit pinangalanang Krus na Ligas ang lugar na ito. Sa bahagi ding ito mailalarawan ang mga 'mutya' ng pamayanan. Ang mga mutyang nakapaloob sa pamayanang ito ay ang Parokya Simbahan ng Krus na Ligas na masasabing saksi sa kasaysayan ng Krus na Ligas, ang Kabukiran na masasabing tanging-yaman na natitira lalunglalo na sa mga magsasaka doon, at ang mga pagdiriwang, na sa paglipas ng panahon ay napakalaki ng ipinagbago. llalarawan sa ikaapat na bahagi ang pamayanan ng Krus na Ligas sa pamamagitan ng pagsusuri na ginagamitan ng konsepto ng 'mutya': bilang isang diwa at materyal. Sa mga mutya na nasabi sa ikatlong bahagi, masasalamin dito ang mga pagbabagong naganap at malalaman kung anu-ano na ba ang binibigyang-halaga ng pamayanang ito sa kasalukuyang panahon. Noon, ang mutyang pinakabinibigyan nila ng halaga ay ang diwa ng pagkakaisa. Ngunit, sa paglipas ng panahon ito ay napalitan ng pagsasarili o ng pagkakanya-kanya. Nangyari ito dahil ang tradisyunal na gawain ay napalitan ng makabagong pamamaraan. lsang naging salik pa dito ay ang pagkakaroon ng karunungan na para sa mga matatanda doon ay nakakasama kapag nasobrahan. Ang maaaring maipagmamalaki ng Krus na Ligas magpahanggang ngayon ay ang pagiging larawan pa rin ng isang probinsya. Sinuman ang maligaw sa lugar na ito ay madarama ang pagiging probinsya ng lugar na ito. en_US
dc.subject pamayanan en_US
dc.subject sining en_US
dc.subject kultura en_US
dc.subject kasaysayan en_US
dc.subject populasyon en_US
dc.title Ang Pamayanan ng Krus na Ligas: Isang Dokumentasyon ng Siming at Kultura en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account